3Binilang ang mga Levita na nasa edad tatlumpu pataas, at ang bilang nilaʼy tatlumpuʼt walong libo.
4Sinabi ni David, “Ang dalawampuʼt apat na libo sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa bahay ng Panginoon, ang anim na libo ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,
5ang apat na libo ay maglilingkod bilang mga tagapagbantay ng mga pintuan, at ang apat na libo ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong pangmusika na ipinagawa ko para sa gawaing ito.”
6Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gerson, Kohat at Merari.
7Ang mga anak ni Gerson ay sina Ladan at Simei.