15ang ikalabimpito ay si Hezer, ang ikalabingwalo ay si Afses,
16ang ikalabinsiyam ay si Petaya, ang ikadalawampu ay si Hazaquiel,
17ang ikadalawampuʼt isa ay si Jaquin, ang ikadalawampuʼt dalawa ay si Gamul,
18ang ikadalawampuʼt tatlo ay si Delaias, at ang ikadalawampuʼt apat ay si Maasias.
19Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa bahay ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.