27Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazias: sina Beno, Soham, Zacur at Ibri.
28Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.
29Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.
30Mula sa angkan ni Musi: sina Mahli, Eder at Jerimot. Ito ang mga lahi ng mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya.
31Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila upang malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Sadoc, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.