9Ang labingwalong anak at mga kamag-anak ni Meselemias ay may mga kakayahan din.
10Si Hosa na mula sa pamilya ni Merari ay may mga anak din. Ginawa niyang pinuno si Simri kahit hindi siya ang panganay na anak.
11Ang sumunod kay Simri ay sina Hilkias, Tebalias at Zacarias. Labintatlong lahat ang anak at mga kamag-anak ni Hosa na mga tagapagbantay sa pintuan.
12Iginrupo ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ayon sa pinuno ng kanilang pamilya, at may mga tungkulin sila sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, katulad ng kapwa nilang mga Levita.
13Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda.