13Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda.
14Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Selemias, at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias
15Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed-edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega.
16Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Supim at Hosa. Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:
17Sa gawing silangan, anim na tagapagbantay ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.