1 Mga Cronica 26

Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Supim at Hosa. Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:

1 Chronicles 26:16 (UKJV) To Shuppim and Hosah the lot came forth westward, with the gate Shallecheth, by the causeway of the going up, ward against ward.

14Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Selemias, at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias

15Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed-edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega.

16Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Supim at Hosa. Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:

17Sa gawing silangan, anim na tagapagbantay ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.

18Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ay dalawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.