15Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed-edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega.
16Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Supim at Hosa. Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:
17Sa gawing silangan, anim na tagapagbantay ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.
18Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ay dalawa.
19Ito ang mga grupo ng mga tagapagbantay ng mga pintuan mula sa angkan nina Kora at Merari.