17Sa gawing silangan, anim na tagapagbantay ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.
18Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ay dalawa.
19Ito ang mga grupo ng mga tagapagbantay ng mga pintuan mula sa angkan nina Kora at Merari.
20Ang ibang mga Levita na pinamumunuan ni Ahias ang katiwala sa mga bodega ng bahay ng Diyos, kabilang na ang mga bodega ng mga inihandog sa Diyos.
21Si Ladan ay mula sa angkan ni Gerson at ama ni Jehiel. Ang ilan sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga pinuno ng kanyang mga angkan.