24si Sebuel, na mula sa angkan ni Gerson, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.
25Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabias, Jesaias, Joram, Zicri at Selomit.
26Si Selomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno.
27Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan upang gamitin sa templo ng Panginoon.
28Si Selomit din at ang kanyang mga kamag-anak ang nangalaga sa lahat ng mga inihandog ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruias. Ang iba pang mga inihandog ay ipinamahala din nila.