23Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel: Mula sa angkan ni Amram,
24si Sebuel, na mula sa angkan ni Gerson, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.
25Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabias, Jesaias, Joram, Zicri at Selomit.
26Si Selomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno.
27Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan upang gamitin sa templo ng Panginoon.