1 Mga Cronica 26

si Sebuel, na mula sa angkan ni Gerson, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.

1 Chronicles 26:24 (UKJV) And Shebuel the son of Gershom, the son of Moses, was ruler of the treasures.

22Ang mga anak ni Jehiel na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.

23Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel: Mula sa angkan ni Amram,

24si Sebuel, na mula sa angkan ni Gerson, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.

25Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabias, Jesaias, Joram, Zicri at Selomit.

26Si Selomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.