2at ang pito niyang anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, at ang kasunod ay sina Jediael, Zebadias, Jatniel,
3Elam, Jehohanan at Eliehoenai.
4Si Obed-edom ay may walong anak na lalaki din: si Semaias ang panganay, at ang kasunod ay sina Jehozabad, Joa, Sacar, Netanel,
5Amiel, Isacar at Peultai. Pinagpala ng Diyos si Obed-edom.
6Ang panganay na anak ni Obed-edom na si Semaias ay may mga anak na lalaki na may kakayahan at mga pinuno ng kanilang mga pamilya.