5Amiel, Isacar at Peultai. Pinagpala ng Diyos si Obed-edom.
6Ang panganay na anak ni Obed-edom na si Semaias ay may mga anak na lalaki na may kakayahan at mga pinuno ng kanilang mga pamilya.
7Silaʼy sina Otni, Refael, Obed at Elzabad. Ang kanilang kamag-anak na sina Elihu at Semaquias ay may mga kakayahan din.
8Lahat sila ay mula sa angkan ni Obed-edom. Sila at ang kanilang mga anak at kamag-anak ay animnapuʼt dalawang lahat. Mahuhusay sila at may kakayahan sa paggawa.
9Ang labingwalong anak at mga kamag-anak ni Meselemias ay may mga kakayahan din.