15Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May dalawampuʼt apat na libong sundalo sa grupo niya.
16Ito ang mga pinuno ng mga lahi ng Israel: Sa lahi ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri. Sa lahi ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca.
17Sa lahi ni Levi, si Hashabias na anak ni Kemuel. Sa angkan ni Aaron, si Sadoc.
18Sa lahi ni Juda, si Elihu na kapatid ni David. Sa lahi ni Isacar, si Omri na anak ni Micael.
19Sa lahi ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias. Sa lahi ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel.