24Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruias ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Diyos sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.
25Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.
26Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.
27Si Simei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari. Si Zabdi na taga-Sephan ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak.
28Si Baal-hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran. Si Joas ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.