1 Mga Cronica 27

Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

1 Chronicles 27:25 (UKJV) And over the king's treasures was Azmaveth the son of Adiel: and over the storehouses in the fields, in the cities, and in the villages, and in the castles, was Jehonathan the son of Uzziah:

23Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na dalawampu dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.

24Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruias ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Diyos sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.

25Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

26Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.

27Si Simei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari. Si Zabdi na taga-Sephan ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.