1 Mga Cronica 27

Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na dalawampu dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.

1 Chronicles 27:23 (UKJV) But David took not the number of them from twenty years old and under: because the LORD had said he would increase Israel like to the stars of the heavens.

21Sa kalahati pang lahi ni Manases sa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias. Sa lahi ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner.

22Sa lahi ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham. Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.

23Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na dalawampu dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.

24Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruias ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Diyos sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.

25Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.