19Sa lahi ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias. Sa lahi ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel.
20Sa lahi ni Efraim, si Hosea na anak ni Azazias. Sa kalahating lahi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias.
21Sa kalahati pang lahi ni Manases sa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias. Sa lahi ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner.
22Sa lahi ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham. Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.
23Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na dalawampu dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.