1 Mga Cronica 27

Si Baal-hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran. Si Joas ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.

1 Chronicles 27:28 (UKJV) And over the olive trees and the sycomore trees that were in the low plains was Baalhanan the Gederite: and over the cellars of oil was Joash:

26Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.

27Si Simei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari. Si Zabdi na taga-Sephan ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak.

28Si Baal-hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran. Si Joas ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.

29Si Sitrai na taga-Saron ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Saron. Si Safat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.

30Si Obil na Ismaelita ang namamahala ng mga kamelyo. Si Jedeias na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.