27Si Simei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari. Si Zabdi na taga-Sephan ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak.
28Si Baal-hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran. Si Joas ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.
29Si Sitrai na taga-Saron ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Saron. Si Safat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.
30Si Obil na Ismaelita ang namamahala ng mga kamelyo. Si Jedeias na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.
31Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa. Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.