30Si Obil na Ismaelita ang namamahala ng mga kamelyo. Si Jedeias na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.
31Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa. Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.
32Si Jonatan na tiyuhin ni Haring David ang tagapayo niya. Isa siyang matalinong tao at manunulat. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang guro ng mga anak ng hari.
33Si Ahitofel ang isa pang tagapayo ng hari. Ang Araceo na si Husai ay malapít na kaibigan ng hari.
34Nang mamatay si Ahitofel, pinalitan siya ni Joiada na anak ni Benaias at ni Abiatar. Si Joab ang kumander ng mga sundalo ng hari.