1Ito ang mga lalaking anak ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel ang pangalawa, anak niya kay Abigail na taga-Carmel.
2Si Absalom ang pangatlo, anak niya kay Maaca na anak ni Haring Talmai ng Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak niya kay Haguit.
3Si Sefatias ang panglima, anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, anak niya kay Egla.