1 Mga Cronica 4

si Eston ang ama nina Bet-rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir-nahash. Sila ang angkan ni Reca.

1 Chronicles 4:12 (UKJV) And Eshton brings forth Bethrapha, and Paseah, and Tehinnah the father of Irnahash. These are the men of Rechah.

10Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan upang hindi ako masaktan.” At dininig ng Diyos ang kanyang kahilingan.

11Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at

12si Eston ang ama nina Bet-rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir-nahash. Sila ang angkan ni Reca.

13Ang mga lalaking anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.

14Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraias naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday. Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.