18May 44,760 na sundalo sa mga lahi nina Ruben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manases. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana.
19Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetur, Nafis, at Nodab.
20Humingi sila ng tulong sa Diyos nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Diyos ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Diyos sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito.
21Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: limampung libong kamelyo, dalawandaan at limampung libong tupa at dalawang libong asno. Binihag din nila ang isang daang libong tao.
22Marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Diyos sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.