16Tumira sila sa Gilead doon sa Bashan at sa mga baryo sa paligid nito, at sa buong pastulan ng Saron.
17Nailista silang lahat sa talaan ng mga angkan noong panahon ng paghahari ni Jotam sa Juda at ni Jeroboam sa Israel.
18May 44,760 na sundalo sa mga lahi nina Ruben, Gad, at sa kalahating lahi ni Manases. Sinanay sila para sa labanan at mahusay silang gumamit ng mga pananggalang, espada at pana.
19Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetur, Nafis, at Nodab.
20Humingi sila ng tulong sa Diyos nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Diyos ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Diyos sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito.