32Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahong naipatayo ni Solomon ang Templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila.
33Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak: Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elcana.
34Si Elcana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toah.
35Si Toah ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elcana. Si Elcana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai.
36Si Amasai ay anak ni Elcana. Si Elcana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Zefanias.