9Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi.
10Ang lalaking anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga lalaking anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Ehud, Quenaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
11Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handang makipagdigma.
12Ang mga lalaking anak ni Ir ay sina Supim at si Hupim, at ang anak ni Aher ay si Husim.
13Ang mga lalaking anak ni Neftali kay Bilha ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Salum.