1 Mga Cronica 7

Ang mga lalaking anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa mga angkan ni Tola.

1 Chronicles 7:2 (UKJV) And the sons of Tola; Uzzi, and Rephaiah, and Jeriel, and Jahmai, and Jibsam, and Shemuel, heads of their father's house, to know, of Tola: they were valiant men of might in their generations; whose number was in the days of David two and twenty thousand and six hundred.

1Ang apat na lalaking anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.

2Ang mga lalaking anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa mga angkan ni Tola.

3Ang lalaking anak ni Uzi ay si Izrahias. Ang apat na lalaking anak ni Izrahias ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias na mga pinuno ng kanilang mga pamilya.

4Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang hukbong pandigma na binubuo ng 36,000 na lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.