1 Mga Cronica 7

Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang hukbong pandigma na binubuo ng 36,000 na lalaki.

1 Chronicles 7:4 (UKJV) And with them, by their generations, after the house of their fathers, were bands of soldiers for war, six and thirty thousand men: for they had many wives and sons.

2Ang mga lalaking anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa mga angkan ni Tola.

3Ang lalaking anak ni Uzi ay si Izrahias. Ang apat na lalaking anak ni Izrahias ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias na mga pinuno ng kanilang mga pamilya.

4Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang hukbong pandigma na binubuo ng 36,000 na lalaki.

5Ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay walumpuʼt pitong libo ayon sa talaan ng kanilang lahi.

6May tatlong anak na lalaki si Benjamin na sina Bela, Bequer at Jediael.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.