3Ang lalaking anak ni Uzi ay si Izrahias. Ang apat na lalaking anak ni Izrahias ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias na mga pinuno ng kanilang mga pamilya.
4Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang hukbong pandigma na binubuo ng 36,000 na lalaki.
5Ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay walumpuʼt pitong libo ayon sa talaan ng kanilang lahi.
6May tatlong anak na lalaki si Benjamin na sina Bela, Bequer at Jediael.
7Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.