19Ang mga lalaking anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
20Ito ang lahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Elada, si Elada na ama ni Tahat,
21si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Sutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elad ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop.
22Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak upang aliwin siya.
23Hindi nagtagal, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya.