1 Mga Cronica 7

Hindi nagtagal, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya.

1 Chronicles 7:23 (UKJV) And when he went in to his wife, she conceived, and bare a son, and he called his name Beriah, because it went evil with his house.

21si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Sutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elad ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop.

22Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak upang aliwin siya.

23Hindi nagtagal, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya.

24May anak na babae si Efraim na si Seera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet-horon at ng Uzenseera.

25At ang lalaking anak ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Resef, si Resef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.