22Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak upang aliwin siya.
23Hindi nagtagal, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya.
24May anak na babae si Efraim na si Seera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet-horon at ng Uzenseera.
25At ang lalaking anak ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Resef, si Resef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan,
26si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elisama,