24May anak na babae si Efraim na si Seera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet-horon at ng Uzenseera.
25At ang lalaking anak ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Resef, si Resef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan,
26si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elisama,
27si Elisama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.
28Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Gaza at sa mga baryo nito.