1 Mga Cronica 9

Hanggang ngayon, sila pa rin ang tagapagbantay ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan. Sila noon ang mga tagapagbantay ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.

1 Chronicles 9:18 (UKJV) Who until now waited in the king's gate eastward: they were porters in the companies of the children of Levi.

16Si Obadias na anak ni Semaias (si Semaias ay anak ni Galal; si Galal ay anak ni Jedutun), at si Berequias na anak ni Asa at apo ni Elcana, na tumira sa baryo ng mga Netofatita.

17Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay sina Salum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak. Si Salum ang kanilang pinuno.

18Hanggang ngayon, sila pa rin ang tagapagbantay ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan. Sila noon ang mga tagapagbantay ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.

19Si Salum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Salum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng Tabernakulo katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay ng Panginoon.

20Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga tagapagbantay ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.