1 Mga Cronica 9

Si Salum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Salum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng Tabernakulo katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay ng Panginoon.

1 Chronicles 9:19 (UKJV) And Shallum the son of Kore, the son of Ebiasaph, the son of Korah, and his brethren, of the house of his father, the Korahites, were over the work of the service, keepers of the gates of the tabernacle: and their fathers, being over the host of the LORD, were keepers of the entry.

17Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay sina Salum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak. Si Salum ang kanilang pinuno.

18Hanggang ngayon, sila pa rin ang tagapagbantay ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan. Sila noon ang mga tagapagbantay ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.

19Si Salum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Salum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng Tabernakulo katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay ng Panginoon.

20Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga tagapagbantay ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon.

21Si Zacarias na anak ni Meselemias ay naging tagapagbantay rin ng Toldang Tipanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.