1 Mga Cronica 9

Si Zacarias na anak ni Meselemias ay naging tagapagbantay rin ng Toldang Tipanan.

1 Chronicles 9:21 (UKJV) And Zechariah the son of Meshelemiah was gate keeper of the door of the tabernacle of the congregation.

19Si Salum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Salum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng Tabernakulo katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay ng Panginoon.

20Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga tagapagbantay ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon.

21Si Zacarias na anak ni Meselemias ay naging tagapagbantay rin ng Toldang Tipanan.

22Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga tagapagbantay ng pintuan dahil maaasahan sila ay sina David at Propeta Samuel.

23Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.