1 Mga Cronica 9

Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda.

1 Chronicles 9:23 (UKJV) So they and their children had the oversight of the gates of the house of the LORD, namely, the house of the tabernacle, by wards.

21Si Zacarias na anak ni Meselemias ay naging tagapagbantay rin ng Toldang Tipanan.

22Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga tagapagbantay ng pintuan dahil maaasahan sila ay sina David at Propeta Samuel.

23Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda.

24Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog.

25Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.