1 Mga Cronica 9

Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog.

1 Chronicles 9:24 (UKJV) In four quarters were the porters, toward the east, west, north, and south.

22Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga tagapagbantay ng pintuan dahil maaasahan sila ay sina David at Propeta Samuel.

23Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda.

24Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog.

25Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.

26Ngunit ang apat na pinuno ng mga tagapagbantay ng mga pintuan na mula sa mga Levita, ang siyang pinagkatiwalaan ng mga kuwarto at mga bodega ng bahay ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.