1 Mga Cronica 9

Ngunit ang apat na pinuno ng mga tagapagbantay ng mga pintuan na mula sa mga Levita, ang siyang pinagkatiwalaan ng mga kuwarto at mga bodega ng bahay ng Diyos.

1 Chronicles 9:26 (UKJV) For these Levites, the four chief porters, were in their set office, and were over the chambers and treasuries of the house of God.

24Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog.

25Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.

26Ngunit ang apat na pinuno ng mga tagapagbantay ng mga pintuan na mula sa mga Levita, ang siyang pinagkatiwalaan ng mga kuwarto at mga bodega ng bahay ng Diyos.

27Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng bahay ng Diyos dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.

28Ang iba sa kanilaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng mga gamit sa pagsamba. Binibilang nila ito bago at pagkatapos gamitin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.