1 Mga Cronica 9

Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng bahay ng Diyos dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.

1 Chronicles 9:27 (UKJV) And they lodged round about the house of God, because the charge was upon them, and the opening thereof every morning pertained to them.

25Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.

26Ngunit ang apat na pinuno ng mga tagapagbantay ng mga pintuan na mula sa mga Levita, ang siyang pinagkatiwalaan ng mga kuwarto at mga bodega ng bahay ng Diyos.

27Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng bahay ng Diyos dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.

28Ang iba sa kanilaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng mga gamit sa pagsamba. Binibilang nila ito bago at pagkatapos gamitin.

29Ang ibaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng iba pang mga gamit sa santuwaryo gaya ng harina, alak, langis, insenso at mga pampalasa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.