1 Mga Cronica 9

Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.

1 Chronicles 9:32 (UKJV) And other of their brethren, of the sons of the Kohathites, were over the showbread, to prepare it every sabbath.

30Ngunit katungkulan ng mga pari ang pagtitimpla ng mga pampalasa.

31Si Matitias na Levita, at panganay na anak ni Salum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay na inihahandog.

32Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.

33Ang mga musikero sa Templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa Templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.

34Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.