1 Mga Cronica 9

Ang mga musikero sa Templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa Templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.

1 Chronicles 9:33 (UKJV) And these are the singers, chief of the fathers of the Levites, who remaining in the chambers were free: for they were employed in that work day and night.

31Si Matitias na Levita, at panganay na anak ni Salum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay na inihahandog.

32Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.

33Ang mga musikero sa Templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa Templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.

34Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.

35Si Jeiel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.