29Ang ibaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng iba pang mga gamit sa santuwaryo gaya ng harina, alak, langis, insenso at mga pampalasa.
30Ngunit katungkulan ng mga pari ang pagtitimpla ng mga pampalasa.
31Si Matitias na Levita, at panganay na anak ni Salum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay na inihahandog.
32Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.
33Ang mga musikero sa Templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa Templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.