3Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manases na nakabalik at tumira sa Jerusalem:
4Si Utai na anak ni Amihud (si Amihud ay anak ni Omri; si Omri ay anak ni Imri; si Imri ay anak ni Bani na mula sa angkan ni Peres na anak ni Juda).
5Sa mga Silonita: si Asaias (ang panganay) at ang kanyang mga anak na lalaki.
6Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel. Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.
7Sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesulam (si Mesulam ay anak ni Hodavias; si Hodavias ay anak ni Asenua),