1 Mga Taga-Corinto 1

Pananatilihin niya kayong matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang kayoʼy maging walang kapintasan sa araw ng pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

1 Corinthians 1:8 (UKJV) Who shall also confirm you unto the end, that all of you may be blameless in the day of our Lord Jesus Christ.

6Dahil dito, napatunayan sa inyo na ang mga itinuro namin tungkol kay Kristo ay totoo.

7Kaya hindi kayo kinukulang sa anumang kaloob na espirituwal habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

8Pananatilihin niya kayong matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang kayoʼy maging walang kapintasan sa araw ng pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

9Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo na ating Panginoon.

10Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.