1 Mga Taga-Corinto 10

Kapag iniinom natin ang alak sa kopa na ipinagpapasalamat natin sa Diyos, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa dugo ni Kristo? Kapag kinakain natin ang tinapay na pinagpipira-piraso, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa katawan ni Kristo?

1 Corinthians 10:16 (UKJV) The cup of blessing which we bless, is it not the communion of the blood of Christ? The bread which we break, is it not the communion of the body of Christ?

14Kaya mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyos-diyosan.

15Sinasabi ko ito sa inyo bilang mga taong nakakaunawa, kaya pag-isipan ninyo ang sinasabi ko.

16Kapag iniinom natin ang alak sa kopa na ipinagpapasalamat natin sa Diyos, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa dugo ni Kristo? Kapag kinakain natin ang tinapay na pinagpipira-piraso, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa katawan ni Kristo?

17Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.

18Tingnan ninyo ang mga Israelita. Ang mga kumakain ng mga handog ay mga kabahagi sa gawain sa altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.