16Kapag iniinom natin ang alak sa kopa na ipinagpapasalamat natin sa Diyos, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa dugo ni Kristo? Kapag kinakain natin ang tinapay na pinagpipira-piraso, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa katawan ni Kristo?
17Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.
18Tingnan ninyo ang mga Israelita. Ang mga kumakain ng mga handog ay mga kabahagi sa gawain sa altar.
19Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko ba na may kabuluhan ang mga diyos-diyosan o ang pagkaing inihandog sa kanila?
20Hindi! Ang ibig kong sabihin ay inialay nila ang mga handog na iyan sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Ayaw kong makibahagi kayo sa mga demonyo.