1 Mga Taga-Corinto 10

Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.

1 Corinthians 10:17 (UKJV) For we being many are one bread, and one body: for we are all partakers of that one bread.

15Sinasabi ko ito sa inyo bilang mga taong nakakaunawa, kaya pag-isipan ninyo ang sinasabi ko.

16Kapag iniinom natin ang alak sa kopa na ipinagpapasalamat natin sa Diyos, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa dugo ni Kristo? Kapag kinakain natin ang tinapay na pinagpipira-piraso, hindi baʼt nakikibahagi tayo sa katawan ni Kristo?

17Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.

18Tingnan ninyo ang mga Israelita. Ang mga kumakain ng mga handog ay mga kabahagi sa gawain sa altar.

19Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko ba na may kabuluhan ang mga diyos-diyosan o ang pagkaing inihandog sa kanila?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.