1 Mga Taga-Corinto 10

Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko ba na may kabuluhan ang mga diyos-diyosan o ang pagkaing inihandog sa kanila?

1 Corinthians 10:19 (UKJV) What say I then? that the idol is any thing, or that which is offered in sacrifice to idols is any thing?

17Kaya nga, iisang katawan lamang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lamang ang ating pinagsasaluhan.

18Tingnan ninyo ang mga Israelita. Ang mga kumakain ng mga handog ay mga kabahagi sa gawain sa altar.

19Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko ba na may kabuluhan ang mga diyos-diyosan o ang pagkaing inihandog sa kanila?

20Hindi! Ang ibig kong sabihin ay inialay nila ang mga handog na iyan sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Ayaw kong makibahagi kayo sa mga demonyo.

21Hindi tayo maaaring makiinom sa kopa ng Panginoon at sa kopa ng masasamáng espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.